ako'y iyong binati
wala akong nasabi
pagkat nabighani
ng kagandahan mong tangi
Matapos ang enkwentro
ako'y naloko
bat naman ako natameme
samantalang sa loob ko'y
alam kong kaya kong
magpakabibo ?
Kanina'y ika'y aking nakita muli
kasama mga ka-opisina
ngunit malayo palang
kayo'y napalingon,
lumiko't lumayo... maari namang
hindi ako nakita, ngunit
hindi lang naman ngayon
na ako'y nadedma.
Siguro hindi talaga ako click sayo
mahirap talaga tong late bloomer
marami na nagbago, maliban lang
ang tingin sayo ng tao.
Hindi bale ok lang
hindi narin bago sa akin ang
kahihiyan
tawanan ko nalang
dahil sigurado naman din ako
sa sarili ko, at alam ko sa
loob ko na ako'y
magandang tao.
Hindi bale ok lang
wala naman sakin yon
dahil siguro'y ako medyo
bibo at nasobrahan ng listo
sa pagantay at paghananap
dun sa bigay sakin ni Kristo...
Noon olats ako...
Pero Ngayon... tsk tsk tsk
Sayang, ikaw ang talo....

pasensya na kung makeso...

No comments:
Post a Comment